MANILA, Philippines – Kung gusto natin ng epektibong gobyerno at mabuting pamamahala, kailangan nating mag-usap-usap. Ang usaping good governance ay hindi dapat limitado sa mga eksperto at politiko. Lahat ay kasama rito, lalo na ang kabataang Pilipino.
Kaya sa Enero 24, may bagong kampanyang ilulunsad ang Rappler at Linya-Linya.
Inaanyayahan namin kayo sa “MABUTI PA: Pag-usapan Natin ang Good Governance,” isang discussion tungkol sa pamamahala, adbokasiya, at pakikilahok sa lipunan.
Pormal na ilulunsad ng Rappler at Linya-Linya ang limited edition “Mabuti Pa” T-shirt, na bahagi ng mas malawak na kampanya para sa mabuting pamamahala at mabuting pamumuno sa Pilipinas, na aabot hanggang sa eleksiyon sa 2028. Mabibili ang shirt sa venue.
Kasali ang ilang content creator at komedyante na ginagamit ang kanilang plataporma para maging approachable at relatable ang usaping good governance at pagtutol sa korupsiyon:
Moderator: Bea Cupin, Rappler multimedia reporter
📅 January 24, 2026, Saturday
🕒 2 pm: Registration, coffee bar open
3 pm – 5:30 pm: Program with Q&A
📍 Linya-Linya HQ, 5F Magnitude Bldg., Libis, Quezon City
🎟️ Tickets: P499 (May kasamang Linya-Linya Voucher!)
☕🍕 May kape at pagkain sa venue!
Makakabili ng tickets dito. Mag-imbita ng kaibigan at ka-ibigan! Limitado ang slots kaya mag-register na.
Nagsisimula ang mabuting pamamahala sa mabuting pag-uusap. Mabuti pa…magkita tayo sa Enero 24! – Rappler.com


