Kung ang science ay mananatiling malamig at malayo, parang iniwan na rin natin ang bayan sa mga kamay ng mga trolls na ang tanging layunin ay maghasik ng kamangmanganKung ang science ay mananatiling malamig at malayo, parang iniwan na rin natin ang bayan sa mga kamay ng mga trolls na ang tanging layunin ay maghasik ng kamangmangan

[Tabas ng Dila] Ang pagsagip sa mga Placido Penitente

2026/03/31 08:00
9 min read
For feedback or concerns regarding this content, please contact us at crypto.news@mexc.com

Naimbitahan akong maging panel discussant kamakailan sa Science, Technology, & Society Summit na bahagi ng Centennial Celebration ng College of Science ng University of Santo Tomas (UST). Saad ng imbitasyon:

“Given your extensive experience in creative writing and science communication, we would be honored if you could join the panel discussion on Science Communication in University of Santo Tomas (UST), in the Philippines, and discuss future directions. Your expertise in translating complex ideas into compelling narratives and engaging diverse audiences will be invaluable in framing the conversation on effective science communication strategies, fostering public understanding of science, and inspiring the next generation of communicators.”
Sa harap ng maraming magagaling at iniidolo kong scientists mula noong bata pa ako, at mga science communicator at mga articulate na tinig ng agham sa bansa, parang nakakahiyang magsalita hinggil sa science communication.
Mabuti na lang, ang sabi sa imbitasyon, “extensive experience in creative writing and science communication.” At least masasabi kong may extensive experience na ako sa creative writing part.
Estudyante pa sa UST College of Science si Charlene Gonzales nang magsimula akong magsulat. Samantala, iyong science communication, well, masasabi kong bago pa. Maliban kasi sa ilang kolum ko sa Rappler (na produkto ng science communication fellowship sa UP Marine Science Institute) at ilang status sa Facebook na may bahid ng science, hindi ko matawag na isa akong legit na science communicator.
Kung paanong bago ako sa science communication ay bago rin akong lalo sa Science Communication in UST. Bukod kay Professor Emeritus Fortunato Sevilla na nagtuturo ng chemistry sa pambansang wika at hinihikayat ang maraming guro ng agham para gawin din ito, hindi ako pamilyar sa detalye ng mga simulain ng UST para gawing malaganap at popular ang agham.
At hindi ko rin alam kung nakatulong ang pinakasikat at pinakadakilang Thomasian sa pagpapalaganap ng agham. Itong dakilang si Pepe Rizal, as we all know, bukod sa creative writer dahil makata at nobelista, ay isa ring naturalist at amateur taxonomist.
Kung may dapat balikan sa kasaysayan ng science communication sa UST, kay Rizal dapat tayo tumitig muna. Sangkap na ng quiz bee ang mga tanong hinggil sa detalye ng kaniyang pagiging taxonomist. Natuklasan at ipinangalan sa kaniya ang Draco rizali (flying dragon), Apogonia rizali (small beetle), and Rhacophorus rizali (rare frog). 

Sinasabing nagpadala ng mahigit sa sandaang specimen ng fauna si Rizal sa mga mananaliksik sa Europa kapalit ang mga sipi ng librong wala sa bansa. Nag-identify at nag-catalog din siya ng mga local fauna at flora na nakatulong sa pag-unawa ng maraming siyentipiko sa mundo noong panahon niya.
Napakagaling ng ating Thomasian na si Pepe. Kung may masasabing nagpasimula ng science communication, sabihin mang ito’y trivial at pang-quiz bee, o kaya’y mataas na aspirasyon sa mapangaraping estudyanteng makatulad man lang kahit gahinliliit ng ating pambansang bayani, nagtagumpay si Rizal.
Well, dahil magaling na writer, nagtagumpay din si Rizal kung paano hindi dapat itanghal ang science. Meaning, sa mapang-uyam na paraan, nagawa niyang ituro sa mga conscious sa pag-aaral ng science at pedagogy, ang mga hindi dapat hinggil sa science at edukasyon sa kabuuan. Particularly, ang mirror physics, ang branch ng geometrical optics, na naglalarawan ung paanong ang rabaw o surfaces ay nagre-reflect ng liwanag upang lumikha ng imahen sa ilalim ng Law of Reflection.
Ladies and Gentlemen, nais ko pong muling ipakilala sa inyo si Placido Penitente.
Magsisimula ito sa Chapter 12 ng El Filibusterismo, na ang pamagat ay “Placido Penitente,” at magtutuloy sa Chapter 13, ang “Klase sa Pisika.” Sa mga nakalimot na sa kanilang El Filibusterismo, estudyante ng UST sa kursong bachiller en artes (AB!) si Placido na mula sa Tanauan, Batangas. Magaling siya sa Latin at sa retorika. Magaling mangatwiran. Kinalugdan siya ni Father Valerio Maranan kaya naging iskolar sa UST.
Si Placido Penitente ang prototype ng estudyanteng tiis-tiis lang pero malapit na palang sumuko. Si Placido Penitente ang poster boy ng academic burnout at existential crisis bago pa man nauso ang mga terminong ’yan.
Matalino naman si Placido Penitente. Pero, ang problema, ang pangalan pa lang niya ay irony personified na: Placido (tahimik) pero punung-puno ng ingay ang utak, at Penitente (nagdurusa) dahil tinitiis niya ang antigong sistema ng edukasyon noong panahon ni Rizal.
Imagine: pumasok sa klase para matuto itong ating si Placido, pero ang daratnan ay isang propesor na mas mahusay pa sa pang-ookray kaysa sa pagtuturo ng Physics. Si Placido ’yung estudyanteng malapit nang mapundi. ’Yung tipong isang maling tingin o isang sarkastikong “Pumasok ka ba?” ni Padre MIllon. Idineklara siyang absent pero may grade, albeit mababa, sa recitation, thus the mutual exclusivity.  
Magaling mangatuwiran ang pambato ng Tanauan, Batangas, na si Placido Penitente pagdating sa talino. Pero pagpasok niya sa klase ng Pisika sa, ehem, Unibersidad ng Santo Tomas, noon, tila pader ang bumabangga sa kanya. Hindi dahil sa hirap ng Physics per se, kundi dahil sa paraan ng pagtuturo ng Physics: malakas ang power relations ng prof sa estudyante, mas nakatutok sa pagsasaulo ng mga Latin na terminolohiya kaysa sa pag-unawa kung bakit nga ba umiikot ang mundo o, sa lagay ng klase, bakit kumikintab na parang salamin ang mga bagay-bagay.
Para sa isang bansang ang paboritong pastime ay mag-scroll sa TikTok habang nakasakay sa jeep na may mamamahaling krudo, medyo ironic na ang isa sa pinakasikat na kabanata sa ating panitikan, chapters 12 at 13 ng El Filibusterismo, ay tungkol sa isang estudyanteng sawang-sawa na sa loob ng classroom, lalo na ang klase ay tungkol sa science.
Fast forward sa 2026. Wala na tayo sa silid-aralan ni Padre Millon, pero ang problema ni Placido ay buhay na buhay pa rin sa social media. Ngayon, ang Physics at Biology ay hindi na lang kinatatakutan sa loob ng classroom; kinatatakutan na sila sa feed natin dahil sa lalim ng jargon. Sa mga siwang ng karunungang ito pumapasok ang mga “peddler” ng fake news at disinformation.
Bakit ba mas mabilis maniwala ang tao na ang gamot sa virus ay pagmumog ng asin kaysa sa pakikinig sa isang epidemiologist? Simple lang: dahil ang kumakalat na maling impormasyon ay nakasulat sa naratibo ng karaniwang tao: mabilis, madaling intindihin, kolokyal. Samantala, ang science ay madalas na nakakulong sa safety confines ng akademya, nakabalot sa mga terminong kasing-haba ng listahan ng mga kasangkot sa flood-control fiasco ng bansa.
Kapag ang science ay naging intimidating, natataboy natin ang mga Placido Penitente ng modernong panahon papunta sa mga mapanlinlang na influencer na ang tanging credential ay bilang ng followers o subscribers at malapit sa mga politiko.
Dito pumapasok ang mga inisyatiba ng alma mater dapat ni Placido ngayon, ang UST, para basagin ang sumpa ng elitistang narasyon ng agham. Sa pamamagitan ng iba’t ibang research centers at outreach programs, sinusubukan ng unibersidad na “isalin” ang science sa wikang hindi mo kailangang i-Google o i-AI bawat tatlong segundo.
Hindi na lang ito tungkol sa krokis ng formula. Tungkol ito sa pagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang biodiversity sa paraang maiintindihan ng isang tindera sa Dapitan o Baclaran, o kung paano gumagana ang AI nang hindi nagmumukhang plot ng Inception.
Ikatlong semester na ino-offer ang Science Communication bilang elective sa College of Science ng UST, bagay na lagi kong ikinararangal sa tuwing mabibigyan ng pagkakataong ipagmagaling ito. Naniniwala kasi ang kolehiyo at ang unibersidad na ang kailangan natin ay Science Communication na may “puso” at “wit” — well, pardon my rough metaphor, ‘yung parang nakikipag-inuman ka lang sa tropa pero pag-uwi mo, alam mo na kung bakit delikado ang climate change. O sa gaya ng karanasan ko noon mula sa Davao City airport hanggang Nabunturan City habang nakikipagtsikahan sa loob ng van, napaliwanagan ako ng bantog na entomologist na si Dr. Aimee Lynn A. Barrion-Dupo ng kahalagahan ng taxonomy, bonus na balang araw ay ipapangalan ako sa isang gagamba o tipaklong o palaka: Apogonia delos reyesi.

Kailangan natin ng mas maaasahang science communication higit sa AI-generated na nagsasalitang caulliflower o bacteria. Bagamat totoo ring hindi kailangang maging seryoso palagi ang pagkatuto, minsan mas tumatagos ang katotohanan kapag may kasamang hugot o kaunting tawa.
Kailangan bang “bumaba” o “lumabas” ang science?
Naniniwala akong kapag hindi natin nailabas sa akademya, naipaunawa at napalawak ang komunikasyon hinggil sa agham, nakatutulong ito para madomina lalo ng disimpormasyon ang new media platforms. Sa mundo ng fake news, ang bawat gap ng kaalaman ay pinupunan ng conspiracy theory o tsismis.
Makatutulong sa pagpapalaganap ang gawing less intimidating ang agham. Ipaliwanag agad ang konsepto at jargon sa maiintindihan ng karaniwang tao. Gayundin, lalo na sa mga eksperto, hindi sapat ang bionote at credential, kailangang maipaliwanag kung paano makakaapekto sa presyo ng bigas o kakapusan ng enerhiya dahil sa giyera ng mga kampon ni Trump ang agham sa likod nito. Dapat laging may mapapala sa agham ang karaniwang tao. Kailangang may stake ang sambayanan sa agham na nais nating iparating.
Si Placido Penitente ay simbolo ng potensyal na nasayang dahil sa maling sistema. Ayaw nating mangyari ‘yan sa mga Pilipinong babad sa internet ngayon. Kung ang science ay mananatiling malamig at malayo, parang iniwan na rin natin ang bayan sa mga kamay ng mga trolls na ang tanging layunin ay maghasik ng kamangmangan na ang direktang may pakinabang ay mga politikong diring-diri sa matatalino at kritikal na mamamayan.

Ang hamon sa atin

Ayokong magtunog mas mataas ang kaalaman. Imbes na magpayo sa mga scientist, educator, at mga estudyante ng UST at iba pang paaralan, papayuhan ko na lang ang sarili ko: iwasang maging propesor sa Klase sa Pisika. Well, p’wede naman. Baka nga minsan ginagawa ko ito.
Ang hiling ko lang, maging matibay na tulay nawa tayong lahat. Hindi substandard na tulay ng mga ahensiyang kurakot.
Ang science ay hindi dapat pabigat sa karaniwang tao; ito ay dapat na sandata laban sa kasinungalingan at nagbubukas sa isip ng mamamayan upang maunawaan ang ating mundo, ang ating lipunan, ang ating sarili.
Sa huli, ang malinaw na pakikipagtalastasan sa madla ay hindi pagpapababa ng kalidad ng kaalaman ng agham. Ito ay pagtataas ng antas ng kamalayan ng publiko. Para sa susunod na may makita tayong disinfornation sa feed natin, hindi lang tayo basta dedma. Mayroon tayong sapat na talino at tamang salita para sumagot at maging kritikal nang may resibo, at, marahil, may kaunting wit na rin para mas masarap basahin o pakinggan. Malay natin, baka may mailigtas tayong Gen Z na Placido Penitente. – Rappler.com
Professor ng seminar in new media, writing for new media, at creative nonfiction sa Faculty of Arts and Letters at sa Graduate School ng University of Santo Tomas si Joselito D. De Los Reyes, PhD. Kasalukuyan siyang chair ng UST Department of Creative Writing.
    

Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact crypto.news@mexc.com for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.
Tags:

You May Also Like

Claude Code has been found to have two caching bugs that could silently increase API costs by 10-20 times.

Claude Code has been found to have two caching bugs that could silently increase API costs by 10-20 times.

PANews reported on March 31 that, according to 1M AI News, a developer reverse-engineered a 228MB binary file of the standalone Claude Code installer using Ghidra
Share
PANews2026/03/31 11:37
US President Trump willing to end Iran war without reopening Strait of Hormuz – WSJ

US President Trump willing to end Iran war without reopening Strait of Hormuz – WSJ

The post US President Trump willing to end Iran war without reopening Strait of Hormuz – WSJ appeared on BitcoinEthereumNews.com. Citing administration officials
Share
BitcoinEthereumNews2026/03/31 11:02
Investors flock to IOTA miners in pursuit of stable returns

Investors flock to IOTA miners in pursuit of stable returns

The post Investors flock to IOTA miners in pursuit of stable returns appeared on BitcoinEthereumNews.com. After securing a preliminary victory in its protracted legal battle with the U.S. Securities and Exchange Commission (SEC), XRP (Ripple) has once again become a market focus. Within hours of the announcement, on-chain data revealed a discreet transfer of 15,000,000 XRP. While this amount is not significant compared to whale-level holdings, its timing and context have nonetheless drawn market attention: some analysts believe it may be related to liquidity reallocation, adjustments to cross-border payment channels, or early institutional investment. At the same time, market attention is gradually shifting from short-term price fluctuations to more sustainable profit models. Following the XRP legal victory, a large number of small and medium-sized investors have chosen the IOTA Miner cloud mining platform as an alternative to hedge against volatility and achieve stable returns. The platform’s core advantages include: Stable returns: Users receive a fixed daily mining reward regardless of market fluctuations; Low barriers to entry: No expensive hardware required; easy mobile participation; Risk hedging: Withdrawals are possible during price declines, effectively preventing significant losses; Environmentally friendly: The mining pool’s electricity is entirely sourced from renewable energy, making it efficient and sustainable. What is IOTAMiner? Founded in 2018 and headquartered in the UK, IOTAMiner is a reputable global cloud mining platform with seven years of experience, serving over 9 million users in over 100 countries. As the world’s first cloud mining platform integrating artificial intelligence with renewable energy, IOTAMiner maintains a strategic reserve of over 8,000 Bitcoins, operates in full compliance, and is committed to providing users with a 100% return on investment guarantee. IOTA Miner Registration Steps 1. Quick Registration Sign up in just a minute and receive a $15 newbie bonus to start earning immediately. 2. Link Your Wallet and Select Your Currency Link your wallet and select a major cryptocurrency (such as…
Share
BitcoinEthereumNews2025/09/18 02:02