Saan ka nagpunta? Sa EDSA ba o sa Luneta? 'Yan, beshie/comrade ang problema.Saan ka nagpunta? Sa EDSA ba o sa Luneta? 'Yan, beshie/comrade ang problema.

[EDITORIAL] When disunity is a stumbling block to change

2025/12/01 13:30

Katatapos lang ng pangalawang Trillion Peso March — bumabaha ang mga selfie, nakaaaliw na mensahe sa mga T-shirts, at creative na mga protest paraphernalia.

Pero saan ka nagpunta? Sa EDSA ba o sa Luneta?

Bongbong Marcos, Sara Duterte, Flood Control, Corruption

‘Wag magtaka kung walang iisang mensaheng dumagundong na puwedeng umuga sa Malacañang. Hitik kasi sa mixed messaging ang mga rally — sa Luneta, “Marcos-Duterte Resign” at “Resign All” ang sintingkad ng pulang mga streamer. Sa EDSA naman, “ikulong,” “panagutin ang mga corrupt” at “accountability” ang maugong.

Naganap ang mga pagkilos laban sa korupsiyon sa gitna ng isang malaking dilemma ng mga organizer: Kung mananawagan ka ng pagbibitiw ng pinakamataas na pinuno ng bansa na si President Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagkakadawit niya umano sa plunder sampu ng mga kasangga niya, ‘di ba’t parang inannoint mo na rin si Bise Presidente Sara Duterte? 

Kaya siguro nag-evolve ang panawagang “Marcos-Duterte Resign.” Pero sa totoo lang, mismong mga nagpoprotesta, aminadong hindi magreresign ang dalawa. So…duh…ano ang punto ng panawagang hindi naman pala actionable?

Kaya rin siguro, mas niyakap ng civil society ang “Panagutin.” Tahasan pa ngang nireject ni Cardinal Ambo David ang panawagang “Marcos-Duterte resign.” Naka-align ito sa hard-nosed analysis ng mga political observers tulad ng mamamahayag na si Vergel Santos at political communications consultant Joey Salgado.

More than anything, reminder ito na ang civil society at protest movement ay “utterly divided and caught in its old wars,” sabi nga ng isang batikang journalist sa Rappler.

Panahon pa ito ng protest movement na umusbong matapos ma-assassinate si Ninoy Aquino: nanawagan ang August Twenty-One Movement ng “paglahok” sa snap presidential elections habang nanawagan ang National Democratic (ND) Movement ng “boycott.” Ano ang leksiyon ng kasaysayan? Sa terminong masasapul ng henerasyon ngayon, ang moral of the lesson is: Choose engagement over being passive-aggressive.

For the sake of argument, kung sakali mang may scenario na mapipilitang mag-resign si Marcos at Duterte, anong “transitory council” ang mabubuo sa harap ng hudikatura na compromised, ng Senado na factionalized, ng militar na irrational to all things “red,” at sa tubig at langis na dynamics ng civil society at ND movement?

May mga panukala, tulad ng “hybrid” constitutional solution ni law professor at civil society leader Tony La Viña pero tadtad ng paghamon ang ganitong alternatibo.

Ang laging challenge sa ating mga Pilipino — saan mang larangan, mapa-pulitika o mapa-kapitbahay o mapa-pamilya pa nga minsan — ang magkaisa. Lagi tayong watak-watak, sindami ng mga isla ng bansa natin. Kanya-kanya, hirap magsanib puwersa, kahit noon pang panahon ng Kastila at Amerikano. Ganito na lang ba tayo lagi?

Hinog ang panahon para sa pagbabago — pagbabago na maaaring radikal pero nakabatay sa Konstitusyon tulad ng panukala ni La Viña — sa harap ng nakasusukang katiwalian sa halos lahat ng aspeto ng gobyerno. Pero, may nakaamba bang mang-agaw ng momentum? Tila wala, sa harap ng pagkakawatak-watak ng mga puwersang may prinsipyo.

Sa tinagal-tagal ng panahon nang pakikipagtunggali sa kapangyarihan, wala pa rin gagap sa tactical unity and strategic compromise ang mga mulat na puwersa.

Tinatamaan na ang ekonomiya. Palubog na ang barko ng pamahalaan, at lahat tayo nanganganib mahila pailalim ng undercurrent. – Rappler.com

Market Opportunity
Blockstreet Logo
Blockstreet Price(BLOCK)
$0.014454
$0.014454$0.014454
-2.67%
USD
Blockstreet (BLOCK) Live Price Chart
Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact service@support.mexc.com for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.